Inaasahang lalago ng 5.2 porsyento ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2026 matapos ang 4.4% na paglago noong 2025, ayon sa Business Monitor International (BMI) Research.
Ayon sa ulat, babawiin ng pamumuhunan mula sa pampubliko at pribadong sektor ang naantalang infrastructure projects at tataas ang domestic consumption habang bumabangon ang bansa mula sa sunod-sunod na bagyo noong huling bahagi ng 2025.
Inaasahan din ang mas maraming remittances at mas mahina na piso na magpapalakas sa konsumo, habang private investment ay makikinabang sa patuloy na pagbaba ng interest rates ng BSP.
Sa kabilang banda, maaaring bumagal ang paglago ng exports dahil sa mataas na base noong 2025, at may panganib na tumaas ang inflation kung tataas ang presyo ng langis.
Babala ang BMI na kung maantala ang infrastructure spending, maaaring hindi sapat ang konsumo at export para maabot ang target na paglago.










