--Ads--

Pormal na inaprubahan ng House Committee on Justice ang committee report na nagrerekomenda ng pagtigil sa dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa pagdinig ng komite ngayong Lunes, Pebrero 9, nakatanggap ang resolusyon ng 39 pabor, 4 against, at walang abstensyon, na nagpapakita ng malakas na suporta para sa rekomendasyon.

Ang report ay isusumite sa plenaryo para sa karampatang aksyon. Kung tatanggapin ng buong Kamara ang rekomendasyon, opisyal nang matatapos ang impeachment proceedings laban sa pangulo.

Ayon sa House Rules, tanging 1/3 ng kabuuang miyembro ng Kamara na tutol sa resolusyon ng Justice Committee ang maaaring magpatuloy sa proseso ng impeachment, na nangangahulugang mataas ang threshold para maipagpatuloy ang kaso.

--Ads--