--Ads--

Nagbabala ang gobyerno sa lumalaking banta ng artificial intelligence (AI) sa online sexual abuse ng mga bata.

Sa isang press conference sa DOJ kaugnay ng Safer Internet Day, sinabi ni CWC Undersecretary Angelo M. Tapales na tumaas ng 1,325% ang AI-generated child sexual abuse materials mula 2023 hanggang 2024.

Ayon sa kanya, bagama’t may mabuting gamit ang AI, nagdudulot din ito ng seryosong panganib sa mga bata at nagpapahirap sa law enforcement.

Samantala, iginiit ni DOJ Assistant Secretary Miechelle Anne S. Lapuz na ang pagkalat ng ganitong materyales ay nakapipinsala at nagno-normalisa ng pang-aabuso.

--Ads--

Tiniyak ng DOJ ang mahigpit na pagbabantay at hinikayat ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor at ang pag-uulat ng publiko. Binigyang-diin din na mahigpit na ipinagbabawal ng RA 11930 ang paglikha at pagkalat ng sexual abuse materials, kabilang ang AI-generated content.