--Ads--

Pinayagan ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingan ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng prosecution na magdagdag ng mga bagong ebidensiya para sa nalalapit na pagdinig.

Ayon sa apat na pahinang desisyon ng ICC Pre-Trial Chamber 1 na may petsang Pebrero 10, inatasan ang depensa at prosecution na magsumite ng bagong ebidensiya hanggang Pebrero 13.

Una nang humiling ang legal team ng dating pangulo na isama ang 78 bagong ebidensiya sa confirmation of charges. Dahil hindi ito kinontra ng prosecution, pinayagan ng ICC ang hiling ng depensa.

Samantala, humiling din ang prosecution na magdagdag ng dalawang bagong ebidensiya, at pumayag naman ang depensa sa mungkahing ito. Kasama ang Common Legal Representatives of Victims (CLRV), na hindi tumutol sa pagdagdag ng ebidensiya ng parehong panig.

--Ads--

Ang kautusang ito ay inilabas ilang araw bago isagawa ang confirmation of charges laban kay Duterte, na nakatakda mula Enero 23 hanggang 27.

Magugunitang nakapiit sa ICC detention facility ang 80-anyos na si Duterte kaugnay ng kasong crime against humanity na may kaugnayan sa anti-drug operations noong panahon niya bilang alkalde ng Davao City at pangulo ng Pilipinas.