--Ads--

Arestado ang isang indibidwal na tinaguriang Top 2 Most Wanted Person Provincial Level matapos ihain ang Warrant of Arrest sa kasong Murder ng mga tauhan ng Dinapigue Municipal Police Station sa Bucal Norte, dinapigue, Isabela.


Kinilala ang akusado na si alyas “Bong” 27 anyos, isang konstraksyon worker at residente ng Brgy. Dimaluade, bayan ng Dinapigue, Isabela.


Naging matagumpay ang pagkaka-aresto sa akusado dahil sa pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Joint Tracker Team ng Dinapigue Police Station( lead unit) katuwang ang Isabela PIU, RIU2, PIT West, at Isabela Maritime Law Enforcement Team sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na inisyu ng isang Presiding Judge, Second Judicial Region ng RTC Branch 36, Santaiago City noong ika-19 ng Enero 2026 na walang inirekomendang piyansa.


Ang suspek ay dinala sa himpilan ng Dinapigue MPS para sa dokyumentasyon at tamang disposisyon.

--Ads--