--Ads--

Nakatakdang magsagawa ng state visit sa Pilipinas si South Korean President Lee Jae Myung mula Marso 3 hanggang 4, ayon sa pahayag ng Palasyo. Ang pagbisita ay tugon sa imbitasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Sasalubungin nina Pangulong Marcos at First Lady Liza Marcos sina Pangulong Lee at First Lady Kim Hee Keon sa Malacañang Palace sa Marso 3.

Ang pagbisita ay kauna-unahan mula nang ipatupad ang Free Trade Agreement (FTA) sa pagitan ng Pilipinas at South Korea noong Disyembre 31, 2024.

Kasabay din ito ng 77th anniversary ng ugnayang diplomatiko ng dalawang bansa na nagsimula noong Marso 1949.

--Ads--


Sa bilateral meeting, inaasahang pag-uusapan ng dalawang lider ang Kooperasyon sa depensa at seguridad, Maritime economic at development projects, People-to-people ties o pagpapalalim ng ugnayan ng mamamayan at Palitan ng pananaw sa mga internasyonal na isyu


Matatandaan na unang nagkaroon na ng bilateral meeting sina Marcos at Lee sa sidelines ng APEC Summit sa Gyeongju noong Oktubre 2025.

Nag-usap din sila sa pamamagitan ng telepono noong Agosto 14, 2025, kung saan pinagtibay ang kanilang pangako sa strategic partnership ng dalawang bansa.