Tututukan ng pamahalaan ang coconut industry sa ilalim ng Free Trade Agreement (FTA) ng Pilipinas at European Union (EU).
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang mga coconut farmer at exporter dahil malaki ang potensyal ng mga produktong gawa sa niyog sa pandaigdigang merkado.
Kasunod ito ng pagtatapos ng negosasyon para sa FTA, na target na malagdaan sa 2027.
Sinabi ni Castro na mahalaga ang kasunduan dahil nakatakdang magtapos sa 2027 ang EU Generalized Scheme of Preferences (GSP), na nagbibigay ng preferential tariff treatment sa ilang produktong Pilipino.
Sa ilalim ng FTA, magkakaroon ang Pilipinas ng permanenteng trade agreement sa EU na inaasahang magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa exporters, micro, small and medium enterprises (MSMEs), at mga manggagawa.











