--Ads--

Nakakuha na ang Pilipinas ng free trade agreement o FTA sa European Union matapos ang mahigit dalawang taong negosasyon mula nang muling simulan ang pag-uusap ng dalawang panig.

Dahil dito, magiging ikatlong bansa lamang ang Pilipinas sa Southeast Asia na may FTA sa EU, na may tinatayang 450 milyong mamamayan.

Inaasahang magbubukas ang kasunduan ng hanggang 12 bilyong dolyar na export potential para sa Pilipinas at magpapalawak sa kasalukuyang trade arrangement ng bansa sa ilalim ng EU Generalized Scheme of Preferences Plus o GSP+.