--Ads--

Pinayuhan ang mga Pilipino sa United Arab Emirates na manatili sa loob ng bahay upang matiyak ang kaligtasan habang nagpapatuloy ang palitan ng airstrikes sa pagitan ng Iran, US at Israel.

Matatandaan na nitong Sabado ay naglunsad ng pag-atake ang Israel at US sa Iran at isa ang US military base sa UAE sa naging target ng retaliatory attack ng Iran.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Joekenneth De Vera Dumbrigue, na bagama’t naiintercept ng UAE ang mga airstrikes ng Iran ay lubha pa ring mapanganib para sa mga sibilyan ang mga nahuhulog na debris  mula sa mga ito. Nagresulta na rin ito sa pagkasawi ng isang Asian national.

Maliban sa inilabas na abiso ng Philippine Embasy sa UAE ay inalerto rin ng local government ang mga sibilyan na iwasang lumabas ng bahay habang kinokontrol ng mga awtoridad ang pag-atake.

--Ads--

Bagama’t US military base lang ang target ng Iran, ay hindi pa rin maiwasang mangamba ng mga residenteng naroon lalo na at may mga civilian areas na nadadamay dahil sa mga fallen debris.