--Ads--

Ipinangako ni US President Donald Trump na ipagpapatuloy ang tinawag niyang “righteous mission” laban sa Iran hanggang makamit ang lahat ng layunin, kahit pa inaasahan niyang may mas marami pang sundalong Amerikano ang mamamatay sa proseso.

Sa isang video na inilabas sa Truth Social nitong Linggo, muling iginiit ni Trump na ang digmaan laban sa Iran ay tugon sa isang “existential threat” sa Amerika. Aniya, ang isang rehimeng Iranian na may kakayahang mag-armas ng long-range missiles at nuclear weapons ay malaking panganib sa bawat Amerikano.

Kasabay ng pahayag, kinumpirma ng US na tatlong sundalo ang nasawi at lima ang malubhang nasugatan sa mga pag-atake ng Iran bilang ganti.

Matatandaan na sa unanga araw ng pag-atake ay napatay si Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei at ilang matataas na opisyal sa mga pag-atake ng US at Israel.

--Ads--

Dahil dito naglunsad na rin ng mga pag-atake ang Iran laban sa Kuwait, UAE, Saudi Arabia, Jordan, Bahrain, at Oman.

Sa kasalukuyan pumapalo na sa mahigit 201 katao ang nasawi sa Iran, 747 sugatan; siyam ang patay at 121 sugatan sa Israel; may mga nasawi rin sa Kuwait, UAE, at Iraq.

Samanatala, inihayag ng Estados Unidos na nasira ang ilang barkong pandigma ng Iran at ang kanilang Naval Headquarters.