--Ads--

Nagpahayag si Napolcom Commissioner Ralph Calinisan hinggil sa inilabas na video statement ng vlogger na si Norman Mangusin matapos nitong makalaya.

Sa video na ibinahagi ni Mangusin noong Sabado, Pebrero 28, ang kanyang pananaw na tila sobra ang pagtrato sa kaniya, samantalang ang kaso umano niya ay unjust vexation lamang.

Ngunit ayon kay Calinisan, mali ang iniisip ni Mangusin na nakatuon lamang ang isyu sa pinakahuling kasong isinampa laban sa kanya. Ani Calinisan, ang laban na ito ay para sa karaniwang Pilipino at mga OFW na nawalan ng pera dahil sa panloloko, at idinagdag na ginamit ni Mangusin ang kanyang impluwensya sa maling paraan.

Dagdag pa niya, kabilang din sa laban na ito ang mga institusyon ng gobyerno na nadungisan ng publiko dahil sa kilos ng isang clout chaser.

--Ads--

Ayon kay Calinisan, hindi sapat ang paumanhin ni Mangusin. Aniya, ang kailangan ay pananagutan, tunay na pagsisisi, at buong kompensasyon para sa lahat ng naging biktima niya. Dapat tukuyin ang lahat ng biktima at humingi ng diretsong paghingi ng tawad sa publiko.

Matatandaang nakulong si Mangusin noong 2020 dahil sa umano’y paglabag sa passport law, Optometry Law, illegal recruitment, estafa, violence against women, at Anti-Human Trafficking Law.