--Ads--

Nagpapatupad si Mayor Isko Moreno ng 50% pagbawas sa fuel consumption ng gobyerno ng Maynila bilang paghahanda sa posibleng krisis sa langis dahil sa pagsasara ng Strait of Hormuz at lumalalang tensyon sa Middle East.

Ayon sa Executive Order No. 7, lahat ng departamento at tanggapan ay dapat bawasan ng kalahati ang paggamit ng fuel sa sasakyan, generator, heavy equipment, at iba pang kagamitan. Ipinag-utos ang optimized vehicle routes, consolidation ng deliveries, at pagbabawas ng mileage. Ipinagbawal ang non-essential travel, lakbay-aral, at foreign trips maliban kung kritikal sa operasyon.

Ang pagpupulong sa barangay, health centers, ospital, at satellite offices ay isasagawa online, at ang graduation sa pampublikong paaralan ay sa kani-kanilang campus. Pinapayagan ang staggered shift, compressed workweek, at remote work kung maaari. Binawasan din ang hindi kinakailangang ilaw at inayos ang HVAC systems sa city-owned facilities.

Hindi saklaw ng patakarang ito ang emergency services tulad ng pulis, bumbero, ambulansya, public health, disaster risk reduction, garbage collection, at traffic management. Ang paglabag ay maaaring humantong sa imbestigasyon at parusa ayon sa civil service rules.

--Ads--

Epektibo agad ang kautusan at mananatili hanggang matukoy ng alkalde na ligtas na ang supply ng langis.