--Ads--

Nilinaw ng House Committee on Justice Chairperson Gerville Luistro na hindi inabsuwelto ng Korte Suprema si Vice President Sara Duterte kaugnay ng impeachment complaint na inihain laban sa kanya noong nakaraang taon.

Ayon kay Luistro, ang ruling ng Korte Suprema ay limitado lamang sa constitutional one-year bar rule. Hindi ito desisyon sa merito ng kaso, at hindi rin ito nag-absuwelto sa Bise Presidente.

Binatikos rin ni Luistro ang maling impormasyon na kumakalat online.

Iginiit naman ng Chairperson na obligasyon ng Committee on Justice na dinggin ang anumang impeachment complaint na naihain at i-refer sa kanila.

--Ads--

Matatandaan na kahapon ay idineklarang sufficient in form ang ikatlo at ika-apat na impechment compliant laban sa Bise Presidente.