--Ads--

Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Cauayan City Component Police Station at Sto. Domingo Police Station sa lalawigan ng Nueva Ecija ang isang tricycle driver na may kasong child abuse sa lungsod ng Cauayan.

Kinilala ang suspek na si alyas “Joy,” 47 anyos, may asawa, tricycle driver, at residente ng Brgy. Alicaocao, Cauayan City, Isabela.

Batay sa pinagsamang intelligence report ng dalawang himpilan ng pulisya, isinilbi ang warrant of arrest laban sa akusado at naaresto ito bandang alas-3:20 kaninang hapon sa De Leon Street, Brgy. Maligaya, Sto. Domingo, Nueva Ecija.

May inirekomendang piyansang ₱80,000 para sa kasong child abuse ng suspek. Gayunman, sangkot din umano ito sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga na walang inirekomendang piyansa.

--Ads--

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Sto. Domingo Police Station ang suspek para sa kaukulang disposisyon.