--Ads--

Nagbigay ng senyales ang marriage bann na malapit nang magpakasal ang aktres na si Bea Alonzo at ang negosyanteng si Vincent Co matapos lumabas ang kanilang pangalan bilang bride at groom.

Lumabas ang naturang bann sa live broadcast ng third Sunday Lent mass na pinamunuan ni Rev. Fr. Jomar Burgos sa St. Peter the Apostle Parish kahapon Marso 8, 2026. Ipinakita sa screen ang pangalan ng groom bilang Ferdinand Vincent Pe Co at ng bride bilang Phylbert Angelli Escalante Ranollo, na siyang tunay na pangalan ni Bea Alonzo.

Ipinakilala sa bann si Co bilang 44 taong gulang na anak nina Lucio L. Co at Susan Sy-Pe, habang si Bea ay 38 taong gulang, anak nina Felizardo Ranollo at Mary Anne Escalante.

Ang marriage bann ay pampublikong abiso tungkol sa nalalapit na kasal na ipinapaskil sa parokya ng magkasintahan sa loob ng tatlong magkakasunod na Linggo.

--Ads--

Nag-umpisa ang mga usap-usapan tungkol sa relasyon nina Bea at Vincent noong nakaraang taon matapos silang ilang beses makita na magkasama, kabilang ang isang biyahe sa Spain at pagdalo sa isa sa mga event ng kumpanya ni Co.