--Ads--

Isa sa mga pangunahing hamon sa Department of Migrant Workers (DMW) sa pagpapauwi ng mga OFW mula sa Gulf Region ay ang mga kasong kinakaharap ng ilan sa kanila at ang kanilang immigration records sa host countries.

Sa House briefing, sinabi ni DMW Secretary Hanz Leo Cacdac na bagama’t may ilang OFW na paso na ang pasaporte o hawak ng employer ang kanilang dokumento, nagagawan naman ito ng paraan.

Mas nagiging hadlang aniya ang mga kaso sa immigration, tulad ng nasa 50 OFW sa Kuwait na kailangan munang kumuha ng clearance bago makauwi.

Tiniyak naman ng DMW at OWWA na may sapat na pondo para sa repatriation, kabilang ang P200 milyon na naipamahagi na sa foreign posts at karagdagang pondo mula sa DBM, habang may P1.4 bilyon pang natitira sa Emergency Repatriation Fund.

--Ads--