Inaasahan ng Department of Energy (DOE) ang panibagong pagtaas ng presyo ng gasolina, diesel at kerosene sa susunod na linggo dahil sa patuloy na paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado ng langis.
Ayon kay Sec. Sharon Garin, pangunahing dahilan nito ang tensyon sa Gitnang Silangan, kabilang ang pagharang ng Iran sa bahagi ng Strait of Hormuz na isang mahalagang rutang dinadaanan ng malaking bahagi ng suplay ng langis sa mundo.
Gayunman, tiniyak ng DOE na may sapat na suplay ng petrolyo ang bansa na tinatayang aabot sa humigit-kumulang 50 araw.
Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang pamahalaan sa iba pang bansa sa Asya upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng langis sa Pilipinas.
Samantala, hinikayat ng gobyerno ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente at gasolina habang nananatiling pabagu-bago ang sitwasyon sa pandaigdigang merkado.
Home Business News
Muling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggo— DOE
--Ads--











