--Ads--

Patuloy na ipinatutupad ng Bureau of Fire Protection – Santiago City ang paggamit ng body-worn cameras sa mga fire safety inspection upang palakasin ang transparency at maayos na pagpapatupad ng fire safety regulations.

‎Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay FCInsp. Jay-r Guillano, City Fire Marshal ng BFP Santiago, sinabi niya na isinasagawa ng grupo ang inspeksyon alinsunod sa direktiba ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) upang maging malinaw at maayos ang dokumentasyon ng bawat inspeksyon ng mga tauhan ng BFP.

Kasama sa mga inspeksyon ang pagsusuri sa mga establisimyento at ang fire safety assessment ng ahensya.

‎Aniya, makatutulong ang pagbibigay ng bukas na transparency sa operasyon ng BFP upang maiwasan ang anumang paglabag sa regulasyon sa pagsasagawa ng inspeksyon.

--Ads--

‎Ang mga fire safety inspection ng BFP ay bahagi ng pagpapatupad ng Republic Act No. 9514, o ang Fire Code of the Philippines of 2008, na nagtatakda ng mga pamantayan sa kaligtasan laban sa sunog sa mga gusali at establisimyento.