Nag-utos si Pangulong Marcos ng agarang pagpapalabas ng ₱21.47 bilyon upang mapanatiling tuloy-tuloy ang mga proyektong pang-imprastruktura, protektahan ang trabaho, at maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis bunsod ng krisis sa Gitnang Silangan.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), pinabilis ang pag-release ng pondo para matiyak na hindi maaantala ang mahahalagang serbisyo.
Mula sa kabuuang halaga nakalaan ang ₱2.49 bilyon para sa Fuel Subsidy Program ng DOTr, bilang direktang tulong sa mga driver at operator.
₱18.65 bilyon para sa DPWH upang ipagpatuloy ang mga proyekto sa imprastruktura at trabaho sa buong bansa.
₱324.36 milyon para sa pagbabayad ng obligasyon sa mga foreign-assisted projects.
Tiniyak ng DBM na lahat ng pondo ay dadaan sa mahigpit na budgeting at auditing safeguards upang masigurong makarating ang tulong sa tamang benepisyaryo.











