--Ads--

Lumampas sa target ng P2.3 bilyon ang koleksiyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa unang dalawang buwan ng taon.

Umabot sa P530.06 bilyon ang nakolekta mula Enero hanggang Pebrero, mas mataas ng halos 3 porsiyento kumpara noong nakaraang taon at katumbas ng 100.43% ng target ng ahensiya.

Ayon sa BIR, dulot ito ng mas pinaigting na pangongolekta ng buwis at mas mahigpit na pagpapatupad ng mga patakaran, kaya mas maraming taxpayer ang sumusunod.

Itinuturing din itong pagbangon mula sa 2025 kung saan hindi naabot ang target na koleksiyon.

--Ads--

Target ng BIR na makalikom ng P3.579 trilyon sa 2026, kabilang ang kita mula sa buwis sa digital services.

Gayunman, may mga hamon tulad ng pagtaas ng presyo ng langis dahil sa tensiyon sa Gitnang Silangan at planong suspensiyon ng buwis sa fuel, na maaaring magpababa ng kita ng gobyerno ng hanggang P136 bilyon.