Inaprubahan ng Economic and Development Council ang malawakang reporma sa academic calendar ng bansa na ipatutupad sa School Year 2026–2027.
Layunin nitong tugunan ang problema ng putol-putol na pagkatuto at nawawalang oras sa klase dahil sa bagyo, suspensyon, at iba pang pambansang kaganapan.
Batay sa 3-term calendar ang unang Termino ay 54 araw ng klase at 10 araw na pagsusulit
Ikalawang Termino ay 55 araw ng klase at 10 araw na pagsusulit
Ikatlong Termino ay 61 araw ng klase + 6 araw na pagsusulit
Para sa mga Guro isang grading cycle ang matatanggal, may nakalaang oras para sa consolidation, professional development, at wellness breaks.
Tugon ito sa matagal nang hinaing tungkol sa workload at burnout
Inamin ng DepEd na hindi pa nasubukan sa pilot testing ang bagong modelo, bagama’t may konsultasyon na isinagawa
May pangamba sa implementasyon dahil sa laki at hindi pantay na kalagayan ng sistema ng edukasyon sa bansa
Batay sa derektiba ng Pangulo panatilihin ang 180-day contact period para sa mga estudyante at guro
Siguraduhin na matutulungan ang mga nahihirapang mag-aaral at i-align ang bagong sistema sa semestral setup ng senior high school
Ang reporma ay naglalayong gawing mas tuloy-tuloy ang pag-aaral ng mga estudyante at mas maayos ang pacing ng pagtuturo, ngunit nananatiling hamon ang maayos na implementasyon sa buong bansa.











