--Ads--

Pumalo na sa 1,400 pesos kada tangke ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa Lungsod ng Cauayan kasunod ng bahagya umanong pagliit ng suplay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Robinson John Calderon, Business owner, sinabi niya na halos araw-araw ay nagkakaroon ng pagtaas ng presyo ng LPG sa kanilang hanap-buhay.

Aniya, nitong Linggo lamanga ay mayroong isang LPG brand na nagtaas ng humigit dalawandaang piso dahilan upang umabot sa naturang halaga ang presyo nito.

Mayroon din ilang brand na na nagtaas ng hindi bababa sa sinkwenta pesos, bagay na lalong nagpapabigat sa gastusin ng mga negosyante at mamimili.

--Ads--

May posibilidad pa aniya na tumaas ang presyo sa mga susunod na araw kaya nagdulot ito ng pangamba sa mga residente.

Dahil dito, may ilan nang nagsisimulang mag-panick buying dahilan upang makaiwas sa mas mataas pang presyo.

Aminado naman si Calderon na nahihirapan ang ilan na makasabay dahil limitado na rin ang suplay ng LPG sa ilang tindahan sa Lungsod.