Aabot sa 70 katao ang patay at 30 ang nasugatan sa isang pag-atake malapit sa Petite-Rivière sa Artibonite, Haiti, ayon sa human rights group na Defenseurs Plus.
Ayon sa mga residente at lokal na opisyal, nagsimula ang pag-atake nitong madaling araw ng Linggo sa mga rural community sa paligid ng Jean-Denis at nagpatuloy hanggang nitong Lunes, kung saan pumasok ang mga miyembro ng gang at sinunog ang mga bahay.
Tinatayang 6,000 katao ang napilitang lumikas dahil sa karahasan, habang iniulat ng United Nations na mahigit 2,000 ang umalis sa kanilang mga tahanan ilang araw bago ang pag-atake, dulot ng raids ng mga armadong grupo sa kalapit na lugar.
Ayon sa tagapagsalita ng UN Secretary-General, mahigpit na minomonitor ang sitwasyon sa Haiti kung saan tinatayang mula 10 hanggang 80 na ang namatay. Hiniling naman nila ang masusing imbestigasyon sa insidente.
Binanggit ng Defenseurs Plus na ang kawalan ng aksyon ng seguridad at ang pagpapabaya sa Artibonite sa kamay ng mga armadong grupo ay nagpapakita ng pagtalikod ng gobyerno sa kanilang responsibilidad.











