--Ads--
Maraming netizens ang nagbigay ng reaksiyon sa post ni Anne Curtis tungkol sa pagbabayad ng buwis. Ibinahagi niya ang isang quote tungkol sa triple taxation sa kita, paggasta, at pag-aari, na agad nakatawag-pansin sa kanyang mga tagasubaybay sa Facebook.
Iba-iba ang naging komento ng mga followers. Marami ang nagsabing ayos lang ang pagbabayad ng buwis kung ito ay napupunta sa tama at nagagamit ng maayos para sa kapakanan ng publiko.
May ilan naman na nagbigay ng nakakatawang sagot, na nag-udyok ng mga biro tungkol sa mga “nepo baby.”
Sa huli, unti-unti nang napalitan ang diskusyon sa isyu ng mga nepo baby, kung saan may ilang ulat na nagbebenta na rin ang mga tinaguriang nepo babies ng kanilang mga gamit online.
--Ads--









