--Ads--

Matapos gumastos ng humigit-kumulang $70,000 (mahigit P4.2 milyon) para sa kanilang kasal, pinilit ng isang bride at groom ang bawat bisita na magbayad ng $333 o mahigit P20,000 upang makadalo.

Usap-usapan sa social media ang mag-asawang Nova at Reemo Styles matapos nilang ipagbili ng ticket ang kanilang sariling kamag-anak at kaibigan para sa seremonya.

Ayon sa kanila, kung kaya ng iba na gumastos para sa concert ni Beyoncé para sa karanasan, dapat ay handa rin ang mga bisita na maglabas ng pera para sa isang espesyal na kasalan.

Bagama’t nakatanggap ng batikos, ipinaliwanag ng mag-asawa na hindi para sa kanila ang nakolektang pera. Idinonate ang kabuuang halaga sa isang charity na tumutulong sa mga mag-asawang may problema sa infertility.

--Ads--

Ayon kay Reemo, layunin din nito na makita kung sino ang tunay na nagpapahalaga sa kanilang relasyon, at nais nilang makasama lamang ang mga taong handang maglaan para masaksihan ang kanilang pag-iisang dibdib.