--Ads--

Ipinahayag ni DILG Sec. Jonvic Remulla na ipinagbabawal na ang pag-inom ng alak sa mga lansangan bilang bahagi ng kampanya ng Department of the Interior and Local Government para sa mas ligtas na mga kalsada, lalo na sa mga lugar na madalas tambayan o kinaroroonan ng mga kabataan at turista.

Ayon sa kalihim, umiiral ang Anti-Public Intoxication Act na nagbabawal sa pag-inom sa pampublikong lugar, kabilang ang paglalagay ng mga mesa at upuan sa kalsada para sa inuman. Layunin ng batas na mabawasan ang mga aksidente, gulo, at iba pang insidente na may kinalaman sa alak.

Binigyang-diin din ni Remulla na mahigpit na ipatutupad ang panuntunan. Arestuhin ang sinumang lalabag sa batas bilang bahagi ng pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa komunidad.

Dagdag pa niya, makikipag-ugnayan ang DILG sa lokal na pamahalaan at pulisya upang masiguro ang epektibong implementasyon ng patakaran, lalo na sa mga kalsadang may matinding daloy ng tao o matataas ang insidente ng gulo dulot ng alcohol.

--Ads--