--Ads--
Inanunsyo ng Iran na tinanggap nila ang dalawang linggong pagtigil-putukan o ceasefire, kung saan magsisimula ang negosasyon sa Biyernes sa Islamabad, Pakistan. Ito ay kasunod ng pahayag ni US President Donald Trump na ititigil muna ang mga pag-atake, sa kondisyon na sumang-ayon ang Tehran na ganap na buksan muli ang Strait of Hormuz.
Ayon sa foreign minister ng Iran, magkakaroon ng ligtas na pagdaan sa strait of Hormuz sa loob ng dalawang linggo, sa pamamagitan ng koordinasyon sa mga pwersang militar ng Iran.
Ang naging pahayag ni Trump ay matapos hilingin ni Pakistani Prime Minister Shehbaz Sharif na palawigin ang deadline para sa kasunduan at ipatupad ng Iran ang pagbubukas ng Strait of Hormuz.











