Arestado ang isang high-value target sa ikinasang operasyon ng operatiba sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City.
Ang akusado bilang si alyas “Christopher,” na gumagamit din ng mga alyas na “Mao Palman,” “Mao,” at “Alvin Ampaso,” 42-anyos at residente ng Brgy. Tagaran, Cauayan City. Siya ay Number 3 Most Wanted Person sa Bacolod City at Number 8 Most Wanted Person sa Lanao del Norte, dahilan upang ilunsad ang mas pinaigting na manhunt operations laban sa kanya sa iba’t ibang rehiyon.
Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Mandamiento De Aresto na inilabas noong Abril 6, 2026 ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 6, Iligan City, Lanao del Norte, kaugnay ng kasong Murder na walang inirekomendang piyansa- patunay sa bigat ng kasong kanyang kinakaharap.
Batay sa validation at intelligence reports, ang akusado ay nauugnay sa isang grupong nasangkot sa mga insidente ng karahasan at banta sa pambansang seguridad.
Ang matagumpay na operasyon ay pinangunahan ng Cauayan CCPS katuwang ang Bacolod MPS, Lanao del Norte PPO, RID 10, IRIU2; PIT Isabela East; RID2; PIU-IPPO; 205th MC RMFB2; RMU2; 2nd IPMFC; at 111 Special Action Force, 11 SAB isang malawak na inter-unit coordination na nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto.
Matapos ang operasyon, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine at kasalukuyang nasa kustodiya ng Cauayan City Police Station habang inihahanda ang kanyang agarang maipasakamay sa korte na naglabas ng warrant.











