--Ads--

Tinatayang nasa ₱1,222 na halaga ng hinihinalang marijuana ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Batal, Santiago City.

Ayon sa pulisya, nakuha sa operasyon ang isang transparent na ziplock bag na naglalaman ng tuyong dahon ng hinihinalang marijuana na may bigat na 10.1 gramo.

Isinagawa ang operasyon ng Drug Enforcement Unit ng Police Station 4, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency.

Isang lalaki ang naaresto sa naturang operasyon matapos umanong mahuling sangkot sa bentahan ng ilegal na droga.

--Ads--

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng kapulisan ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.