--Ads--

Wala pang naitalang drowning incident sa bayan ng Quezon, Isabela simula nang ilunsada ng Ligas SumVac ngayong taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Clarence Labasan, Chief of  Police ng Quezon Police Station, sinabi niya na bagama’t natapos na ang Semana Santa ay wala namang naiulat na mga untoward incidents pangunahin na ang pagkalunod.

Bilang bahagi ng nagpapatuloy na Ligtas SumVac ay nananatiling naka-deploy ang 90% ng kanilang personnel sa lansangan, pasyalan at mga ilog upang magbantay at mabilis na makaresponde kung kinakailangan.

Bagama’t mababaw ang mga ilog ngayon dahil summer season ay patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng PNP Quezon sa mga barangay offiicials upang mabantayan ng husto ang mga ilog sa kanilang nasasakupan.

--Ads--

Samantala, mahigpit na ring ipinatutupad sa bayan ng Quezon ang kautusan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor C. Remulla Jr. at Philippine National Police (PNP) chief General Jose Melencio C. Nartatez Jr. Nagbabawal sa pag-inom sa gilid ng kalsada at pag-top less sa mga pampublikong lugar bilang bahagi ng kanilang “Safer Cities” program na naglalayong gawing “walkable at crime-free” ang lahat ng kalsada sa bansa, 24/7.

Ayon kay PMaj. Labasan, mayroon na silang nawarningan at na-isyuhan ng citation na hindi bababa sa 15 indibidwal.