--Ads--

Dalawang katao ang nasawi sa panibagong pag-atake ng militar ng Estados Unidos sa isang bangka sa silangang bahagi ng Pacific Ocean.

Ayon sa US Southern Command, target umano ang sasakyang pandagat dahil pinaniniwalaang dumaraan ito sa rutang ginagamit sa drug trafficking, bagamat wala silang inilabas na ebidensya.

Ito na ang ikalawang sunod na araw ng ganitong operasyon. Noong nakaraang araw, limang katao ang nasawi sa hiwalay na pag-atake.

Umaabot na sa hindi bababa sa 170 katao ang nasawi sa serye ng mga operasyon ng US sa Pacific at Caribbean mula Setyembre.

--Ads--

Kinukuwestyon naman ng mga eksperto at human rights groups ang mga pag-atake, na posibleng lumalabag sa international law at maaaring tumatama sa mga sibilyan.