--Ads--

Inihayag ni Mohammad Bagher Ghalibaf, Speaker ng Parliament ng Iran, na pawang hindi totoo ang mga kamakailang pahayag ni US President Donald Trump tungkol sa Iran.

Nagbabala rin si Ghalibaf na ang Strait of Hormuz ay maaaring isara muli kung magpapatuloy ang umano’y blockade ng Estados Unidos sa mga daungan ng Iran. Giit niya, mananatiling bukas lamang ito sa ilalim ng mga kondisyon na itinakda ng Tehran.

Samantala, paulit-ulit namang binigyang-diin ni US President Donald Trump na malapit nang maabot ng Estados Unidos at Iran ang isang kasunduan, at aniya’y malapit na sa pagkakaroon ng deal ang dalawang panig.

Ngunit ayon sa mga opisyal ng Iran, nananatiling may malalaking isyu pa ang hindi nareresolba sa pagitan ng dalawang bansa, kaya’t hindi pa rin tiyak ang anumang kasunduan.

--Ads--