Nagpaalala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kumpanya ng langis na agad ipatupad ang rollback sa presyo ng petrolyo nang walang pagkaantala o aberya.
Giit ng Pangulo, papatawan ng kaukulang aksyon ng pamahalaan ang sinumang lalabag sa direktiba. Hinimok din niya ang publiko na agad mag-ulat sa Malacañang at sa Department of Energy sakaling may mapansing iregularidad.
Kasabay nito, muling ipinaalala ang nagpapatuloy na ₱10 fuel discount para sa mga pampublikong sasakyan at bus, pati na rin ang Service Contracting Program at iba pang tulong ng pamahalaan.
Tiniyak din ng Pangulo na patuloy ang gobyerno sa pagpapatupad ng mga hakbang hanggang tuluyang maramdaman ng mga Pilipino ang benepisyo ng pagbaba ng presyo ng langis at iba pang suporta ng estado.











