--Ads--

Pinagtibay ng Department of Energy (DOE) at US Grains Council ang kanilang ugnayan upang higit pang isulong ang paggamit ng biofuel sa Pilipinas.

Ito ay napag-usapan sa pulong sa pagitan ni DOE Undersecretary Alessandro O. Sales at ng U.S. Grains Council (USGBC), na naglalayong patatagin ang kooperasyon ng dalawang panig para sa pagpapaunlad ng biofuels sector sa bansa.

Kabilang sa mga tinalakay ang patuloy na suporta ng USGBC sa Pilipinas sa pamamagitan ng technical assistance, capacity-building initiatives, pati na rin ang policy support, feedstock development, at paghahanda para sa mas mataas na ethanol blending targets.

Tiniyak naman ng DOE ang patuloy na pagsisikap na mapalakas ang energy security ng bansa at maisulong ang paggamit ng biofuels sa tulong ng international partnerships.

--Ads--

Sa kasalukuyan, ipinatutupad sa Pilipinas ang biofuel blending kung saan coconut oil ang ginagamit para sa biodiesel at sugarcane naman para sa bioethanol.