--Ads--

Naglabas ang Sandiganbayan ng precautionary hold departure order (PHDO) laban kay dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng mga kasong nakasampa sa Office of the Ombudsman.

Kabilang sa mga reklamong kinahaharap ni Romualdez ang plunder, graft, indirect bribery, at money laundering na may kaugnayan umano sa national budget insertions na konektado sa mga anomalya sa flood control projects.

Ayon sa Sandiganbayan Seventh Division, pinagtibay nito ang kahilingan ng Ombudsman na pigilan si Romualdez na makalabas ng bansa habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at paglilitis sa mga kaso.

Sa inilabas na PHDO, sinabi ng korte na may nakitang probable cause na maaaring magtangkang umalis ng bansa ang kongresista upang iwasan ang pag-aresto at pag-uusig sa mga kasong isinampa laban sa kanya.

--Ads--

Inatasan din ang Bureau of Immigration na pigilan ang pag-alis ni Romualdez at isama ang kanyang pangalan sa hold departure list.