--Ads--

Ipinagtanggol ni Executive Secretary Ralph Recto ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa mga batikos hinggil sa kalusugan nito, kasunod ng kautusan ng Korte Suprema kaugnay ng petisyong may kinalaman sa hair follicle test.

Ayon kay Recto, nananatiling malakas at aktibo ang Pangulo na tuloy-tuloy ang trabaho mula umaga hanggang gabi. Giit pa niya, si PBBM pa nga ang tila “alarm clock” niya dahil maaga itong gumigising at agad kumikilos, habang kahit gabi ay patuloy pa rin itong nakikipag-ugnayan para sa mga usaping pang-gobyerno.

Dagdag pa niya, kitang-kita sa publiko ang abalang iskedyul ng Pangulo sa labas ng Malacañang, at sa loob naman ay sunod-sunod ang mga pulong at walang humpay na pagtatrabaho sa mga mahahalagang isyu ng bansa.

Binigyang-diin din ni Recto na malinaw ang kalagayan ng Pangulo, malusog, walang ginagamit na wheelchair o tungkod, at hindi nagpapakita ng anumang senyales ng panghihina.

--Ads--