--Ads--
Hindi pa rin humuhupa ang tensyon sa Gitnang Silangan matapos maglunsad ng panibagong airstrike ang Israel sa southern Lebanon sa kabila ng US-brokered ceasefire.
Ayon sa Lebanese health authorities, 14 katao ang nasawi kabilang ang 2 bata at 2 babae, habang dose-dosenang iba pa ang nasugatan sa pag-atake sa ilang bayan sa timog Lebanon.
Target umano ng operasyon ang mga posisyon ng Hezbollah, habang iginiit ng Israel na tugon ito sa mga banta at paglabag sa kasunduan ng tigil-putukan.
Patuloy ang panawagan ng international community para sa pagpapatupad ng ceasefire at pag-iwas sa mas malawak na digmaan.
--Ads--











