Umarangkada na ang pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka sa lalawigan sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolks Program (PAFFP) ng administrasyon ni Ferdinand Marcos Jr.
Mahigit 2,200 magsasaka mula sa bayan ng Villaverde, Nueva Vizcaya ang pumila at tumanggap ng ayuda ngayong araw, bilang bahagi ng programa ng pamahalaan upang suportahan ang sektor ng agrikultura.
Layunin ng PAFFP na magbigay ng agarang tulong-pinansyal at suporta sa produksyon sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng langis at iba pang bilihin dulot ng tensyon at digmaan sa Middle East.
Inaasahan ng pamahalaan na makatutulong ang programa upang maibsan ang gastusin sa pagsasaka, mapanatili ang produksyon ng pagkain, at mapalakas ang kabuhayan ng mga benepisyaryo sa gitna ng umiiral na krisis sa ekonomiya.











