--Ads--

Kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang pagbisita ni Vice President Sara Duterte kina Ramil Madriaga at dating Cong. Arnie Teves sa kulungan sa Camp Bagong Diwa, Taguig.

“Nag-imbestiga kami sa visit na ‘yan. We have established that on two occasions, Vice President Sara Duterte visited BJMP in Camp Bagong Diwa initially trying to visit Ramil Madriaga,” ani Matibag sa pagtatanong ni Negros Oriental Rep. Janice Degamo.

“But we were informed by Madriaga that ayaw niya, ayaw niya humarap. At the same time, nung nangyari ‘yun, ang pinuntahan niya ay si Arnie Teves po,” dagdag pa ng bagong hepe ng NBI.

Unang itinanggi ng kampo ni Duterte na binisita nito si Madriaga sa kasagsagan ng alegasyon ng nagpakilalang bagman na ito ang nagdala ng pera na hinihinalang mula sa confidential funds sa iba’t ibang lugar at tao.

--Ads--

“May ebidensya po ba tayo? Kasi palagi nating sinasabi, dapat may resibo. In fairness to the VP, we need to show to the public na hindi lang po ito gawa-gawa na statement na nag-visit siya, hindi lang ito sinisiraan siya, kaya sinasabi na she visited.

Maaari po kaya nating ma-include bilang evidence or pieces of evidence that indeed there was a visit that took place?” tanong ni Degamo. “In fact, the NBI is requesting for the CCTV even before.

 But we have reports, may official report kami na nangyari yung pagbisita. And we are also issuing, nag-issue kami ng subpoena to get the logbook po ng mga bumisita (sa jail),” sagot ni Matibag.

Maliban dito, kinumpirma din ni Matibag ang totoo ang ulat na may nagtangka sa buhay ni Madriaga kung saan isang preso din umano ang sangkot.

Naging intesado si Degamo sa nasabing isyu dahil nabanggit ang pangalan ni Teves na pangunahing suspek sa pagpatay sa kanyang mister na si dating Negros Oriental Roel Degamo noong Marso 4, 2023.

 “And kung may katotohanan po ang sinasabi ni Madriaga na pinuntahan siya at siya ang target ng pagpunta kay Teves, dapat po maliwanagan ‘yung aming mga kababayan in Negros Oriental,” ayon sa mambabatas.

 “We are not here to accuse without basis. We are here to seek answers, not only for our family but for all Filipinos who deserve leaders they can trust,” dagdag pa nito.