--Ads--

Inaasahang magiging malaking laban sa boxing ang sagupaan ng dalawang undefeated na Hapones na sina Junto Nakatani at Naoya Inoue na gaganapin sa Tokyo Dome sa harap ng humigit-kumulang 55,000 fans.

Layunin ni Nakatani na maagaw ang undisputed super bantamweight title mula kay Inoue, habang kapwa sila may 32-0 na record.

Ayon kay Nakatani, handa siya at determinado sa pinakamalaking laban ng kanyang karera, habang sinabi ni Inoue na handa siya sa isang mataktikang bakbakan upang mapanatili ang kanyang titulo.

Inaasahang magsisimula ang main event mamayang gabi sa Japan,7:00 PM hanggang 9:00 PM Philippine time.

--Ads--