--Ads--

Dumating nang maaga nitong Linggo, Mayo 10, ang cruise ship na tinamaan ng nakamamatay na hantavirus outbreak malapit sa Port of Granadilla sa Tenerife, Spain.

Ayon sa mga opisyal ng Espanya, sasailalim sa pagsusuri ang mga pasahero ng mga awtoridad sa kalusugan upang matiyak na wala silang sintomas bago sila ilipat sa maliliit na bangka.

Pagkatapos nito, isasakay ang mga pasahero sa mga selyadong bus patungo sa pangunahing paliparan ng isla, na tinatayang 10 minuto lamang ang layo, kung saan sila lilipad pauwi sa kani-kanilang bansa.

Itinuturing ng European public health agency ang lahat ng pasahero ng luxury cruise ship na MV Hondius bilang high-risk contact bilang bahagi ng precautionary measures dahil sa insidente ng hantavirus outbreak.

--Ads--