--Ads--

Pinayagan ng Spain na makadaong sa Canary Islands ang luxury cruise ship na MV Hondius na naapektuhan ng nakamamatay na hantavirus outbreak matapos ma-stranded sa Cape Verde.

Ayon sa Ministry of Health ng Spain, hindi kayang tumanggap ng Cape Verde ang 147 crew at pasahero ng barko kaya’t ang Canary Islands ang pinakamalapit na may kapasidad na tumugon sa sitwasyon.

Sinabi rin ng Spain na may moral at legal na obligasyon itong tumulong, lalo na’t may mga Spanish citizens sa barko.

Tatlo na ang nasawi sa outbreak, habang may ilang pasahero at crew na nangangailangan ng agarang medikal na atensyon.

--Ads--