Umabot sa ₱737.4 bilyon ang kabuuang debt service payments ng national government sa unang quarter ng 2026, higit doble kumpara sa ₱342 bilyon noong nakaraang taon, ayon sa Bureau of the Treasury.
Pangunahing dahilan nito ang pagtaas ng amortization na umabot sa ₱464.3 bilyon o 63 porsyento ng kabuuan, na halos limang beses na mas mataas kaysa noong 2025. Lumobo ang domestic amortization dahil sa malaking bayarin noong Pebrero, habang bumaba ang external amortization.
Tumaas din ang interest payments sa ₱273.1 bilyon, mula ₱241 bilyon noong nakaraang taon, na karamihan ay galing sa domestic debt.
Sa Marso lamang, bahagyang bumaba ang kabuuang bayarin sa ₱169.1 bilyon dahil sa mas mababang amortization kahit tumaas ang interest costs.
Samantala, umabot sa record na ₱18.49 trilyon ang kabuuang utang ng gobyerno sa pagtatapos ng unang quarter, na katumbas ng 65.2 porsyento ng GDP.











