--Ads--

Umapela si Senador Ronald “Bato” dela Rosa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siya ay protektahan kasunod ng kumpirmasyon ng International Criminal Court (ICC) sa inilabas na warrant of arrest laban sa kanya.

Sa kanyang mensahe, iginiit ni Dela Rosa na bilang isang Pilipino at mamamayan ng bansa, nararapat lamang aniya na mabigyan din siya ng proteksyon ng Pangulo sa gitna ng kinahaharap niyang legal na usapin.

Kasalukuyang nasa ilalim ng protective custody ng Senado si Dela Rosa at nakibahagi sa pamamagitan ng video call sa kanyang mga tagasuporta na nagtipon sa labas ng gusali ng Senado sa Pasay City.

Patuloy namang sinusubaybayan ng publiko ang mga susunod na hakbang kaugnay sa kaso at sa magiging tugon ng administrasyon sa panawagan ng senador.

--Ads--