--Ads--

Mas maraming pamilyang Pilipino ang nakaranas ng “involuntary hunger” o gutom dahil sa kawalan ng makakain sa unang quarter ng 2026, ayon sa pinakahuling sarbey ng Social Weather Stations (SWS).

Base sa resulta ng survey na isinagawa noong Marso 24-31, 2026, umakyat sa 23.2% ang bilang ng mga pamilyang nagugutom. Mas mataas ito kumpara sa 20.1% na naitala noong Nobyembre 2025.

Ang pagtaas na 3.1 points ay katumbas ng milyun-milyong Pilipino na nakaranas ng gutom kahit isang beses sa nakalipas na tatlong buwan.Itinuturing din itong isa sa mga pinakamataas na naitalang hunger rate, lagpas pa sa 21.1% average noong kasagsagan ng pandemya (2020).

Kapansin-pansin ang pagtaas ng insidente ng gutom sa halos lahat ng panig ng bansa, maliban sa Mindanao dahil mula 26.7% noong Nobyembre ay bumagsak ito sa 21.7%.

--Ads--

Sa kabuuang 23.2%, 17.7% ang mga pamilyang nakaranas ng gutom nang “minsan” o “ilang beses” sa loob ng tatlong buwan. Ito ay tumaas mula sa dating 15.6%.

Ang Severe Hunger ay Mga pamilyang nakaranas ng gutom nang “madalas” o “palagi.” Bagama’t tumaas ang moderate hunger, bumaba naman ng isang puntos ang severe hunger sa pambansang antas.