Inilagay ng Office of the Ombudsman sa preventive suspension si Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca sa loob ng anim na buwan kaugnay ng insidente ng pagpapaputok ng baril sa loob ng Senado noong Mayo 13.
Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, ang hakbang ay para maiwasan ang “undue influence” habang iniimbestigahan ang umano’y “unacceptable” na pangyayari kung saan nagpaputok ng warning shots si Aplasca matapos makita ang isang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa gusali.
Bumuo ng panel ng mga imbestigador upang tanungin ang mga senador, law enforcement, at media na naroon sa insidente.
Mag-isyu ng subpoena para sa CCTV footage at iba pang ebidensya.
Iimbestigahan ang NBI, OSAA, at pulisya upang matukoy ang buong pangyayari at ang mga posibleng kaso ay obstruction of justice, discharge of firearms, failure to maintain public order, gross neglect of duty, aiding and abetting a fugitive.
Samantala, Senate President Alan Peter Cayetano hinamon si Remulla na suspendihin din si NBI Director Melvin Matibag, na aniya’y mas dapat imbestigahan.
Habang si Justice Secretary Fredderick Vida naman ay ipinagtanggol si Matibag, at nagbuo ng DOJ special panel of prosecutors para sa imbestigasyon.
Samantal, inihayag ng ilang PNP officials binigyang-diin na ang warning shots ay karaniwang ipinagbabawal sa operasyon, maliban kung nasa panganib ang buhay ng pulis.
Sa kasalukuyang nirerecover ang CCTV footage mula sa Senado at media outfits upang masuri ng mga imbestigador.










