--Ads--

Inaprubahan ng House of Representatives sa ikalawang pagbasa ang panukalang Kalinga Act, na naglalayong pabilisin ang pagtugon ng pamahalaan sa pagtaas ng presyo ng langis, inflation, at iba pang krisis na nakaaapekto sa pagkain, transportasyon, at kabuhayan ng publiko.

Ayon kay House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander Marcos, magbibigay ang panukala ng mas malinaw na mekanismo upang agad na makapaghatid ng tulong sa mga pamilyang apektado ng mataas na presyo ng petrolyo at pangunahing bilihin.

Sa ilalim ng House Bill No. 9305, maaaring magdeklara ang Pangulo ng national energy emergency kapag lumampas sa itinakdang antas ang presyo ng langis o nagkaroon ng kakulangan sa supply ng fuel.

Kapag idineklara ang emergency, maaaring magpatupad ang pamahalaan ng iba’t ibang uri ng ayuda tulad ng cash assistance, fuel subsidy, food at transport support para sa mahihirap na pamilya, manggagawa, tsuper, magsasaka, mangingisda, delivery riders, at maliliit na negosyo.

--Ads--

Kasama rin sa panukala ang posibilidad ng pansamantalang suspensyon ng VAT at excise tax sa produktong petrolyo sa loob ng hanggang 60 araw upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo sa publiko.