--Ads--

Pormal nang nanawagan ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Philippine National Police (PNP) na agad kanselahin ang firearms license ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Sa liham ni NBI Director Melvin Matibag kay PNP chief General Jose Nartatez Jr., hiniling din ang agarang pagsuko ng senador sa kanyang 118 rehistradong baril sa loob ng 48 oras matapos matanggap ang abiso.

Ayon sa NBI, kabilang sa mga armas ni Dela Rosa ang mga semi-automatic at select-fire rifles, UZI submachine gun variant, high-powered .338 caliber rifle, battlefield-grade shotgun at iba’t ibang handgun.

Iginiit ng ahensya na maaaring malagay sa panganib ang mga law enforcement officer na magpapatupad ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) kung mananatiling nasa legal na pagmamay-ari ng senador ang naturang mga armas.

--Ads--

Dahil dito, hinimok din ng NBI ang PNP na makipag-ugnayan sa mga regional unit nito, lalo na sa Davao Region, para sa mabilis at ligtas na pagkumpiska ng mga baril sakaling maaresto o kusang sumunod si Dela Rosa sa kautusan.