--Ads--

Nagpadala ng isang team na binubuo ng labindalawang rescue personnel ang Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Coucil para tumulong sa search and rescue operation sa gumuhong gusali sa Angeles City, Pampanga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Constante Foronda, PDRRM Officer ng Isabela, sinabi niya na ilang oras matapos gumugo ang 9 palapag na gusali, nakatanggap siya ng tawag mula kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III para magpadala ng rescuers sa site.

Ang labindalawang rescuers na ipinadala ay mga trained pagdating sa collapsed structure.

Sa umpisa, ay na-decline ang kanilang offer na tumulong dahil mahigit isanlibong responders ang nagtungo sa Angeles City dahil sa dami ng mga rescuers sa lugar, subalit kalaunan ay nagawa rin nilang makasali sa operasyon.

--Ads--

Gayunman, hindi rin sila nagtagal sa lugar matapos mag-convert sa Search and Retrieval operation ang LGU.