--Ads--

Arestado ang isang 38-anyos na lalaki matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Ilagan City Component Police Station sa Brgy. Aggassian, Ilagan City, nitong gabi ng Hunyo 4, 2026.

Ang suspek ay isang pintor at residente ng naturang barangay.

Batay sa ulat, isinagawa ang operasyon sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 2, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek matapos umano nitong makipagtransaksyon sa isang poseur-buyer.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 0.2 gramo at may Standard Drug Price na ₱1,360. Narekober din ang buy-bust money, isang motorsiklo, ₱2,156 na cash, at isang Android cellphone.

--Ads--

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Ilagan City Component Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy ang pagpapatupad ng mga operasyon ng Isabela PPO upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa lalawigan.